Monday, February 21, 2011

Teka...BAkit hinDi Ninyo mUna basahiN???

Ako si Ana Carla Opulencia Mesa Ang Aking TALAMBUHAY.

    
                       Ang bawat bagay ay may alamat,may pinagmulan o may pinanggalingan.Lahat ay may kanya kanyang kwento na nais nating alamin at nais natin tuklasin ako nais ko naman ibahagi sa inyo  ang aking makulay na kwento ng aking simple ngunit masayang buhay.
     
                          Apat kaming bunga ng pagmamahalan nina G. Eduardo Mesa at Gng. Victoria Mesa. Sina Jacquline,Charmane ang aking mga ate at syempre hindi pedeng mawala ang aking  kabiyak ng bituka at karugtong ng aking buhay ang nag-iisa kong kakambal na si Juan Paolo .

      
Kami ng aking kakambal.
                          Ika-29 ng Setyembre taong 1994, na una naming masilayan ang liwanag ng ating daigdig. Naging kaanib kami ng simbahang  katoliko noong ika-7 ng Enero taong 1995. Ang aming paglaki ay tunay naman na busog ng pag-aalaga at pagmamahal ngunit hindi lahat ng bagay ay natututunan lamang sa loob ng bahay. Tulad ng isang ibon na kailangan lumipad upang matutong mabuhay,parang isang halaman na kailangan makakuha ng pangangailangan upang lumago ay mabuhay.......teka tao kaya ako kaya alam ko iba.Nagsimula kaming mag-aral sa Day Care Center noong  kami ay limang taong gulang nasundan ang ito ng Kindergarten ng sumunod na taon. Ang aming elementarya ay ginugol naming Mababang Paaralang Sentral ng Lungsod ng San Pablo. Unang baitang hindi kami magkaklase ng kakambal ko,nagang maayos naman ang lahat kahit kami ay magkahiwalay.Nasanay na din ako na hindi ko siya laging kasama sa bawat oras na lumilipas. Ikalawang baitang ay pinasya ng magulang ko na maging magkaklse kaim,naging masaya ang mga panahon na iyon dahil na kasama ko siya. Ikatlo hanggang ikaanim na baitang ay hindi na ulit kami magkaklase,nakakalungkot subalit kailanagn. Napakasaya ng oras at araw na iyon,dahil matagal naming hinintay na mahawakan ang aming katibayan na kami ay makapagtapos.
             Ang bagong yugto ng aming buhay ay ang pagpasok namin sa sekundarya na tinatawag din nilang "highschool life",at ginugol namin ito sa mababang paaralang Col. Lauro D. Dizon Memorial National Highschool. Ika-unang antas ay magkaklase kami at lagi kaming tampulan nang mga tukso,dahil hindi nila alam na kambal kami. Nakakatuwang isipin na napagkamalan kami bilang magksintahan,dahil lagikaming magksama pag nakikita nila kami mula sa pagpasok at pagawas pati sa paglipat namin  sa ibang klase. Ika-dalawang antas ay mag kaklase  pa din at tumaas ang aming seksyon na kung dati ay F ngayon ay D na ang naging seksyon namin. Konti pa lang din ang nakakaalam na kambal kami sa seksyon na nilipatan namin nasanay na din kami,dahil katulad pa din ng dating sitwasyon na napagkakamalan kami na magkasintahan. Hindi nagtagal ay naging maayos ang lahat alam na din nang mga kaklase namin na kambal kami kaya  hindi na din kami nagkakailangan sa iba ang pagiging malapit  namin. Ika-ikatlong antas ay kami pa din ang magkasama at napakasaya dahil nililigawan na ako at hindi siya tutol. Kasabwat ko siya sa lahat ng bagay at kalokohan,kaya't para sa akin napakasarap talaga nang may kakambal lalo na pagnagkakaintindihan kayo. Ngayon ay nasa ika-apat na antas na kami at C na ang seksyon namin na palawakin pa ang aming kakayanan sa magkaibang larangan.
 Marami din akong naging karanasan simula nang ako ay sanggol pa lang. Tulad na lang noong 3 buwang sanggol ay kinumbulsyon ako salamat na lamang at ako ay nabuhay pa. Naniniwala din ako na ito ang ikalawa kong buhay kaya't hindi ko ito sasayangin. Noong apat na taong gulang ako ay nagpunta kami sa Baguio kasama ang ninong,ninang,nanay,ate Jackie at ate Charm. Napakagandang karanasang iyon dahil unang beses kong sumakay sa kabayo madami din kaming napuntahan tulad na lang The Mansion,Botanical Garden at iba pa.

Nung pumunta kami sa Baguio at sumakay ako sa kabayo.
 Bata pa lang ako ay pinangarap kong maging  "Beauty Queen",kaya't sumali ako sa simpleng beauty contest sa Dizon high. "Lakan  at Mutya  ng Dizon high"  nasa ika-unang antas ako noon nakasali ako sa finals subalit pagdating nang grandfinals ay hindi ako pinasali nang magulang ko. Nasa ika-dalawang antas ako nang lumaban ako ng "Campus Sweetheart",subalit hindi ako pinalad na manalo. Nasa ika-tatlong antas ako nang lumaban ako sa "G.&Bb.Kalikasan" noong science camp sa Dizon high. Nanalo ako bilang 2nd runner-up napakasaya ko nang araw na iyon. Ngayon na nasaika-apat na antas ako ay sumali ulit ako sa "G.&Bb.Kalikasan" subalit hindi ako pinalad na manalo. Akala ninyo hanggang doon lang iyon hindi pa rin ako sumuko kahit ilang beses na akong hindi pinalad na manalo. Ang huling contest na nilabanan ko ay ang "Mr&Ms.Mini Olympics",at pinalad akong manalo ng 2nd runner-up at ito pa may special award ako na Bst in Sportswear. Ang ganda ko kay nang arwaw na iyon at napakasaya ko din.Noong English week lumaban din kaming magkaklasw sa sabayang pag-awit na may kasamang pagdrama at nasungkit namin ang ikalawang pwesto.
Sa karanasan naman sa pag-ibig ay madami din akong malulungkot na karanasan dahil lagi akong lumuluha. Alam ko na hindi iyon maiiwasan hindi ko na lang sasabihin kung sinu-sino sila nanakit sa akin. Masaya na naman ako sa buhay ko ngayon at salamat sa kanila dahil naging matapang ako.
 Ito ang aking makulay na talambuhay na nais ko pang madagdagan at makaranas pa nang ibang bagay. Alam ko na ito ay makakapagbigay sa akin maraming aral sa mga oras at araw panglilipas. Sana ay makapulot kayo nang aral sa aking talambuhay.

             
                   Pinakamamahal kong mga kaibigan.   

       
Ang Aking mga kaklase na hindi ko malilimutan.

No comments:

Post a Comment