Tuesday, February 22, 2011

The Bhrat Girl of The Family (Maridict D. Daniel)

         ‘Lahat nang tao ay may kanya-kanyang kwento tungkol sa kanilang buhay. Ito man ay masaya na malungkot,nakakainis o nakakatawa,madrama na romantic at higit sa lahat isang pamilyang masayang nagsasama-sama. Per o masarap isipain na ang pamilya mo at buo pa at mag kakasama’

           Ilalahad ko sa inyo ang tungkol sa aking pag katao at kung paano nabuo ang aming pamilya.

Ako ay may maituturing na simple at may masayang pamilya.hindi kami mayaman bagamat may pamilya akong mayaman sa pag-mamahal. Pinalaki kami nang aming mga magulang nang may pag-mamahal at inaruga nila kami nang maayos, kaya naman mahal na mahal ko ang aking pamilya. Hindi ako nagsisisi na nag karoon ako nang isang pamilyang gaya nila na mapag-mahal. At nag papasalamat ako sa pamilya ko na umuunawa sa akin, tinutulungan nila ako tuwing may problema ako at higit sa lahat ginagabayan nila ako sa lahat ng bagay, at sa aking pag-aaral. Nag papasalamat ako sa Diyos dahil binigyan niya ako nang isang simpleng pamilya na masaya, nagtututlunagn at higit sa lahat ay nag kakaunawaan at nag mamahalan.

Dito ko ilalahad kung paano nag kakilala ang aking ina at ang aking ama at kung paano nabuo aming pamilya.


Ito ang larawan ng aking mga magulang
 Ito ang larawan nang aking mag magulang,sila ay sina Bednedicto G.Daniel at Marissa D.Daniel. Ang aking ama ay nag-aral sa Laguna College(LC) ngunit hindi siya naka pag tapos ng hihg school. Ang aking ina namn ay nag tapos sa Manuel L. Quezon University(MLQU). Sila ay ang kakilala sa Sta.Cruz Laguna dahil ang aking ina ay nag titinda nang tsinelas sa palengke,at ang ama ko naman ay isang ahente ng tsinelas .Hindi  nag laon sinuyo/niligawan nang aking ama ang aking ina,hindi nag tagal napasagot namn ng aking ama ang ina ko. Hanggang sila ay naging mag nobyo at mag nobya. Makalipas ang limang taon ay nag kasundo ang kani-kanilang magulang/pamilya na ipakasal sila sa Huwes sa lalawigan nang Rizal,Laguna. Dito sila nag isang dibdib at ang nanay ko ay naging ganap na Marissa D. Daniel.

Dahil sa kanilang pag-mamahalan ay nag bunga nang isang anghel o anak at ito ay ang aking panganay na kapatid o ang aking kuya na si Marvi D. Daniel.siya ay dalawamput limang taong gulang na. Ang aking kuya ay isang anak na masunurin,mabait,masipag at matiyaga kaya naman tuwang-tuwa sa kanya ang aking mga magulang. Makalipas ang sampung taon ay nasundan siya at at ko iyon na pinangalanang Maridict D. Daniel, ako ay nag iisang babae sa aming mag-kakapatid “unika-iha”. Dati ayokong masundan ako kasi ang akala ko ay mawawalan na sila ng oras sa akin,pero mali pla ako nang inakala masaya pla pag nag kakapatid kang muli at tatawagin akong “ate”.At makaraan ulit ang sampung taon ay nasundan ako at ang pangalan nang aking bunsong kapatid ay Dandic D. Daniel. Kaming tatlong mag kakapatid ang naging bunga nang pag-mamahalan ng aking mga magulang at binusog namin sila nang may pag-mamahal.


Ako ito at ang aking kuya

Ako ito at ito ang aking bunsong kapatid
Ito ang larawan naming mag-kakapatid. Ang nasa kaliwang bahagi ay ang aking nakakatandang kapatid o ang aking kuya. Siya ay nag tapos sa System Institute of Technolohgy(STI), ang kanyang kinuhang kurso ay Computer Science at nag karoon siya ng paranagal sa kanyang pag tatapos. Ang aking kuya na ang natulong sa akin sa aking pag-aaral. At ang nasa gitnang larawan ay ako iyan na ngayon ako ay nasa ika-apat na baitang na nang sekundarya sa pangkat C, na nag aarala ko sa Col.Lauro D. Dizon Memorial National High School o sa mas kilala sa tawag na “Dizon High”. Ako ngayon ay malapit nang mag tapos sa sekundarya. At ang nasa kanang larawan ay ang aking bunsong kapatid , na nag aaral ngayon sa “Whiz Kid” at malapit na din siyang mag-tapos.
Ako ito nung 12 days palang  bagong panganak
 Ito naman ang aking larawan nang ako ay bagong panganak palang,12 days palang ako dyan. Ipinanganak ako noonh Hunyo 12,1995 sa Brgy.Sto.Angel San Pablo City Laguna,ang nag paanak sa akin ay isang midwife lng sa kadahilanang noong araw na manganaganak ang aking ina ay walang pera ang aking ama kaya napag kasunduan nasa bahay nalang ng tita ko manganak ang aking ina. Payat ako noong ako ay bata palang ay ako ay sakitin dahil mahina ang aking resistensiya,kay naman buwan-buwan ako ay laging nasa ospital at nakaconfine. Nawala ang aking pagiging sakitin nang ako ay nag pitong taong gulang na.Malaki ang pasasalamat ko sa panginoon dahil nawala ang pagiging sakitin ko nung ako ay bata pa,at binigyan naman niya ako ng malusog na pangangatawan.


Bibinyagan ako niyan,7months ako 
Ito naman  ang aking larawan nang ako ay bibinyagan na.7 months old palang ako dyan.bininyagan ako sa Independiente Filipina o sa mas kilalang tawag na ‘aglipay church’. Fiesta ng bayan noon nang ako ay pabinyagan ng aking mga magulang. Nag papasalamat ako sa kanila na napabinyagan nila ako nang maayos at maganda. At nandoon ang suporta nila sa akin.

Ako ito at ang aking pamilya

 Ito ang larawan naming pamilya  nang ako ay nang mag isang taong gulang na.Ipinagdiriwang ko ito noong Hunyo 12,1995.Kahit na medjo mahirap kami noon ay pinag sumikapan ng aking mga magulang na ipaghanda ako sa aking unang kaarawan,at lubos akong nag papasalamat sa kanila.sinuklian ko naman ito nang pag mamahal. At ang isa namang larawan ay nang isang taon na ako dyan. Ako ay aabay sa aking ninang, ayan ang kauna-unahan kong pag-abay kaya naman ang aking nga tita at ang anking nlola ay tuwang-tuwa sa akin, pati na rin ang aking mga magulang.
Nang bata palang ako ang nag alaga na sa akin ay anag aking mga tita at ang aking lola, sa kadahilanang may mga trabaho ang aking mga magulang. kaya naman medyo malapit ang loob ko sa kanila at naging  'spoiled o bratgurl' ako sa mga tita ko. Nag mana ako nang ugali sa tita ko ung kapatid na panganay ng aking ama, at sa kanya ko lahat nakuha ang pagh-uugali kaya naman ako ay may pag ka maldita. Pinalaki niya ako nang maayos,may takot sa kanila at higit sa lahat may pag-mamahal siya sa akin. Pati lahat nang gusto ko ay nasusunod nila kaya naman medjo naging maluho ako sa kanila pati na rin sa aking kuya at sa aking magulang. Dati dahil sa pagiging spoiled kong bata ay nagagalit ako sa aking nanay at sa aking tatay pag hindi ko nakuha o pag hindi nila nasunod ang aking gustuhin.
Ito naman nung grumaduate ako nang Grade 6


Ito naman nang ako ay mag tapos ng kinder,limang taon pa lamang ako dyan. Pumasok ako sa San Pablo Central School. Ang regalong dala ko ay bigay sa akin yan ng aking ninang,tuwang tuwa naman ako.Ito ang aking larawan nang mag-tapos ako ng elementarya,ako ay nag tapos din sa Paaralang San Pablo Central School. Bago ako mag tapos nang elementarya ay marani akong sinasalihang mga activities,gaya ng sa Girl Scout,Camping,at Math Lesson na kung tawagin ay(MTAP). Sumali din ako sa sports na "foot ball",grade two ako nang mahilig ako sa larong ito proud pa ako sa sarili ko dahil naging "goally" ako noon at nag-champion pa ang school namin sa larong ito sa Division Meet. Ang pag-tatapos ko sa elementarya ay iniaalay ko saa aking mga magulang at sinisikap kong mag-aral nang mabuti.
Ako sa ngayon yan "mhadec"
At itong larawang ito ako ngayon sa kasalukuyan, ako ngayon ay nasa ika-apat na baitang na nang sekundarya sa pangkat C. Nag aaral ako ngayon sa paaralang Col.Lauro D.Dizon Memorial National High School o sa mas kilala sa tawag na 'Dizon High'. Ako ngayon ay malapit nang mag-tapos ng pag aaral sa sekundarya. Ang kukunin kong Course pag dating nang kolehiyo ay "Accountancy" kasi ito ang pangarap ko pag laki ko.at mag susumikap ako sa aking pag-aaral para makating ko ang minimithi ko sa buhay at para maipag malaki ako nang aking mga magulang, pati na rin susuklian ko ang mga ginawa nilang tulong sa akin para lang makapag tapos ako nanag pag aaral. Bibigyan ko sila nang magandang buhay.

Ito kaming mag babarkada
Ito naman ang nlarawan naming mag babarkada o simply Best Friend. "Batch 2010-2011",ito ang the best year ang the best batch for me. Kasi dito ko nakita ang mag tunay kong kaibigan. At sa batch ding ito ang pinaka masayang bonding moment nang section C at pati na rin naming mag babarkada. Nag papasalamat ako at binigyan ako nang barkadang handang tumulong sa akin sa oras ng kagipitab at lagi silang nandyan tuwing may problema ako at nadadamayan nila ako at nabibigyan ng magandang advise. Pag naman nag sama-sama kaming mag babarkada ay super iinagy namin daig pa ang isang taong hindi mga nag kakasama kaya naman maraming nagagalit sa aming barkada pag kami ay nag ingay na na nagagawa pa nilang siraan kami sa ibang tao at gawan ng kwentong masama ang aming barkada.Pero may iba naman na natutuwa sa aming barkada kasi masayang kasama at masayang kabiruan o kakwetuha.Yung iba naman ay insecure sa amin kaya ganun nlang sila mamng husga.At salamat dahil nag karoon ako ng mga kaibigang tunay at handang tumulong sa akin sa oras ng kagipitan,at pag ako ay may problema lagi siling andyan para tumulong



Ito ang larawan anming pamilya
At ito ang larawan ng aming simple at masayang pamilya.Salamat sa mga magulang ko na nag-alaga at nag- aruga sa amin,at binigyan nila kami nang magandang buhay at magandang kinabukasan. Pinalaki nila kami nang may pag-mamahal at ng may takot sa Diyos pati na rin sa kapwa. Ang maisusukli ko sa kanilang mga ginagawangpag mamahal.pag-aaruga nang maayos ay ang mag-aarala ko nang mabuti at mag susumikap akong makapag tapos ng pag-aaral at bibigyan ko sila nang magangdang buhay at magandang kinabukasan.



"Bawat tao ay mag kanya-kanyang kwento nang buhay. Para sa akin mahalaga ang kwento tungkol sa buhay,dahil dito nabuo ang aming simle at masayang pamilya. At ang nasa itaas nga ay ang kwento tungkol sa aking buhay. Ang pamilya ay mahalaga sa akin dahil parte sila ng aking pag katao.At dito nag tatapos kung paano nabuo ang aming pamilya"











No comments:

Post a Comment