Saturday, February 19, 2011


 
Ang Lalaking Minsang Nangarap

Noong ako ay 3 taong gulang
(Talambuhay ni Mark Hernandez )

Nais kong ibahagi sa inyo ang aking talambuhay.Mark ang aking pangalan galing ako sa mahirap na pamilya ng Hernandez ngunit hindi ko ito ikinahihiya.Ako ay 17 taong gulang na ngayon .Noong bata pa ako ay lola ko na ang nag alaga sakin ang tawag nila sa lola ko ay fen pero ang tunay nyang pangalan ay fenny.Magkaganun man kahit lola ko ang nag alaga sakin ay dinadalaaw parin naman ako ng aking ina.Kaya masasabi ko na mas naging malapit ako sa aking lola kaysa sa aking ina ng mamatay ang aking lola ay labis akong nalungkot at ng itoy ililibing na ako ay habol ng habol sa aking lola.Kaya matapos ang libing ay sa ina ko na ako tumira at sya narin ang nag-alaga sakin hanggang saking pag laki.May araw na pumasok sa aking isip na siguro ginawa talaga ito ng diyos para skin dahil gusto ng diyos na ang sarili ko mismong ina ang dapat na magpalaki sakin..Minsan din natanung ko sa sarili ko na bakit ang aking ina lang ang lagi kong nakikita sa bahay asan ba ang aking ama.Dahil ni minsan nung bata pa ako ni hindi ko man lang sya nakita .Minsan din naitanung ko sa aking ina na nasaan ang aking ama ang sabi naman nya sakin nasa trabaho busy kaya hindi makauwi kaya tuloy hindi ko na maiwasan ang magalit o magtampo sa aking ama dahil sa hindi na ito nauwi.Kaya ang lumaki ako ni hindi ko man lang nakita ang aking ama lumaki ako na ang nakagisnan kong ama ay isang Intsik .Meron itong dalawang anak sa aking ina kaya anim kaming magkakapatid ang pangalan ng panganay ay  ,Michael(25),Mheanne(21)Mayco(18),Mark(17),Jayson(16) at ang pinaka bunso ay siKimson(14) yan ang pangalan ng aking mga kapatid .Nakatira kami sa may Concepcion pero pag may pasok kami sa bahay namin sa Fule Sahagun kami natuloy lalo na pag awas ng tanghali pero pag awas ng hapon ay nauwi na ulet kami sa concepcion.Masaya naman kaming magkakapatid dahil maayos naman ang pakikitungo samin ng step father namin ang pangalan niya ay Kiat.Nagpapasalamat ako sa aming ina dahil pantay ang pagmamahal na ibinibigay niya saming at sa anak ni kay tito kiat  nagpapasalamat din kami kay tito kiat dahil sa pagmamahal at pag aaruga niya samin.May isang lalaki na taga concepcion ang laging nagdadala ng prutas sa aking ina tuwing gabi  ito pala ay may gusto sa aking ina. Hindi nagtagal ay nalaman ito ni tito kiat kaya minabuti  ni tito kiat na makipag hiwalay sa aking ina kaya nagdesisyon ang aking ina na tumira na kami sa bahay namin sa Fule Sahagun.Kasama ang aking ina si rodel sya yung may gusto sa aking ina na nagbibigay sa kanya ng prutas kaya sa paglaki namin ay kasama na namin ito sa aming bahay.Hindi nagtagal ay nagkaroon ito ng anak na lalaki sa aking ina na pinangalanan nilang roejohn itinuring namin itong tunay na kapatid kahit na hindi namin tunay na ama ang kanyang ama at ito ay nasundan pa ng isang anak na lalaki na pinangalanan nilang roejemar itinurin din namin itong tunay na kapatid.Kahit kailan hindi ko matatanggap ang bago naming step father na si rodel kahit ang mga kapatid ko ayw din sa kanya wala lang kaming magawa dahil ayaw itong paalisin ng aking ina.Minsan kinausap namin ang aming ina at sinabi namin na palayasin na niya si rodel pero gaya ng dati ayaw talaga ng aking ina dahil iniisip parin ng aking ina na kahit ganun ang ugali nun ay ay malaki parin ang naitulong nito sa amin at sa kanya sa
bonding  with my family
z pang araw-araw, inintindi na lang namin ang naging desisyon ng aming ina.Kahit ano man ang mangyari hinding hindi namin iiwan ang aming ina,kaya ipinapangako ko sa sarili ko na magtatapos ako ng pag aaral para makatulong ako sa aking ina na labis ang pagsasakripisyo saming mga anak niya.Kahit na lumaki kaming hindi namin nakagisnan ang tunay naming ama ay naging masaya parin kami pero hindi namin maiiwasan kung ano ba ang pangalan nya at kung ano ba ang itsura niya.Minsan gusto sana naming itanung kung ano ang pangalan ng aking ama pero hindi namin magawa dahil iniisip din namin bakit pa namin itatanung eh iniwan na kami at siguro hindi nya kami mahal kaya lumaki kami na hindi namin kilala ang tunay naming ama.Hindi nagtagal ay nakatapos ako ng pag aaral sa elementarya nagkaroon ako ng mga medalya sa Dizon High naman ako nag aral bilang 1st yr haiskul gaya ng dati nakakapanibago dahil umpisa pa lang ng klase wala ka pang gaanong kakilala pero hindi naman nagtagal ay nagkaroon ako ng maraming kaibigan sobrang saya ko nun.Kahit na minsan wala ako masyadong pera ay napasok parin ako dahil sa pagiging matiyaga ko nakatapos ako ng 1st yr haiskul,at ngaun ipagpapatuloy ko ang aking pag-aaral bilang 2nd yr.haiskul hindi na gaya ng dati hind na ako naninibago dahil ung mga kaklase ko nung 1st yr ay yung iba ay kaklase ko parin ng 2nd yr pero may bago din naman akong mga kaklase sila na lang yung pakikisamahan ko at kakaybiganin ko din sila gaya ng dati sobrang saya ko na naman dahil nagkaroon na naman ako ng mga bagong kaibigan,masaya ako kung ano at asan ako ngayon dahil ito naman talaga ang gusto kong mangyari kung baga sa pagkakaibigan walang iwanan,ng magtatapos na kami ng 2nd yr syempre andyan ang Florante at Laura sabi ko dapat galingan namin dito dahil gusto naming manalo.Kasi nung 1st yr ako hindi kami lumaban sa Ibong Adarna kaya dapat galingan ko ng matapos kaming makapag perform ay announcement na ng winner kabado ang lahat lahat samin ay nagkaroon ng place karamihan samin ay puro 3rd place mapwero lang ang Menandro at Ako si Menandro ay 1st place at ako naman bilang Adolpo ay 2nd place,lalo kaming naging masaya ng maging 2nd place kami sa over all section na naglaban laban nagpapasalamat kami sa nagturo samin si ate Gelic tuwang tuwa samin ang aming adviser.Nakatapos na ako ng 2nd at ngayon naman ay 3rd yr haiskul naman ang aking kakaharapin hindi narin ako nanibago dahil sila parin ung mga kaklase ko at sa 3rd ko ay section C parin ako pero magkaganun man masaya naman ako kung asan ako ngayon.Nagpapasalamat ako sa mga kaibigan ko na laging nariyan sakin para tulungan at palakasin ang aking loob,at nagtuturo sakin na lumaban ako kahit na mahirap titiisin ko para ito sa aking magulang sa sa mga pangarap ko sa buhay ko.Eto na nandito na ako sa pinaka aabangan ko ang mgaing 4th yr haiskul para sakin hindi naging madali ang mga pinagdaanan ko,buti na lang nagtitiwala ako sa sarili at ngayon nasa tuktok na ako kung saan dapat lalo akong maging matatag ito ay ang pagiging 4th yr haiskul.Alam kung marami akong magiging karanasan o matututunan bilang isang 4th yr student,pero kahit ganito masaya ako at nagpapasalamat ako dahil naging parte ang aking buhay ang mga kaibigan ko at mga kaklase kahit na ngayong 4th yr ay lagi kaming napapagalitang aming mga guro ay buo parin kami.Kahit may nag-aaway man samin buo parin kami dahil matibay ang aming samahan.Eto na may laban na naman para sa Cheerdance kailangan 
galingan namin dito para matuwa ang aming adviser samin.
JS prom 4-Conquerors




Laban na ayan tapos na announcement na ng panalo yun hindi kami nanalo pero magkaganun man masaya parin kami dahil yung mga araw ng parktis namin ay masaya at yun ay parang bonding narin naming magkakaklase at napatunayan namin sa aming sarili na sa bawat laban may nananalo ay may natatalo ang mahalaga lumaban.Dahil sa anumang laban kami ay sama-sama at tulong-tulong kaya matalo ka man o manalo masaya parin .Ayan may kompetisyon na naman sa English naman 


Props men day!!
Dancing and Singing lalaban na naman ulet kami bilang isa.Laban na ibubuhos namin ang lahat ang aming makakaya matalo man o manalo ok lang,yun bumunga ang aming paghihirap 2nd place kami sobrang saya namin.Kaya sa aming pagkapanalo napagdesisyonan namin na magkaroo ng swimming over night para magkaroon kami ng isang napakasayang bonding naming magkakaklase.Dahil sa dami ng problema na dumating samin ay nalampasan namin itong lahat dahil sa oras ng problema ang lahat ay nagtutulungan at nagkakaisa,kaya sa pag graduate namin sobrang mamimiss namin ang isat-isa para sakin hinding hindi ko sila makakalimutan,dahil walang magkaibigan ang nagkakalimutan.Ngayon malapit na kaming gumaduate ito ang pinkapangarap ko sa buhay ko at ang makilala ko ang tunay kong ama pangarap ko ang makapagtapos upang makatulong ako sa aking ina na nagbuhos ng hirap,pago at pawis para lang mapalaki at mapag aral ako ng ayos.Mahalin natin ang ating magulang ng buong puso dahilo walang ginwa ang ating magulang kundi ang alagaan at palakihin tayo ng maayos at mabuti.Sana ay maging inspirasyon kayo sa buhay ko matuto tayong lumaban sa problema at maging malakas ang loob sa anu mang problema ang dumating sa ating buhay dahil ito ay isang pagsubok na dapat nating lampasan at sulosyonan.Maraming salamat sa aking mga kaibigan na handang tumulong sakin at damayan ako,sila ang inspirasyon ko upang maging matatag at malakas ang aking loob sila din ang nagturo sakin na lumaban sa anumang problema.Sana maging matatag tayo sa wag tayong sumuko sa mga problema dito na nagtatapos ang aking talambuhay.




Ako ngayon !!

No comments:

Post a Comment