Tuesday, February 22, 2011

The Bhrat Girl of The Family (Maridict D. Daniel)

         ‘Lahat nang tao ay may kanya-kanyang kwento tungkol sa kanilang buhay. Ito man ay masaya na malungkot,nakakainis o nakakatawa,madrama na romantic at higit sa lahat isang pamilyang masayang nagsasama-sama. Per o masarap isipain na ang pamilya mo at buo pa at mag kakasama’

           Ilalahad ko sa inyo ang tungkol sa aking pag katao at kung paano nabuo ang aming pamilya.

Ako ay may maituturing na simple at may masayang pamilya.hindi kami mayaman bagamat may pamilya akong mayaman sa pag-mamahal. Pinalaki kami nang aming mga magulang nang may pag-mamahal at inaruga nila kami nang maayos, kaya naman mahal na mahal ko ang aking pamilya. Hindi ako nagsisisi na nag karoon ako nang isang pamilyang gaya nila na mapag-mahal. At nag papasalamat ako sa pamilya ko na umuunawa sa akin, tinutulungan nila ako tuwing may problema ako at higit sa lahat ginagabayan nila ako sa lahat ng bagay, at sa aking pag-aaral. Nag papasalamat ako sa Diyos dahil binigyan niya ako nang isang simpleng pamilya na masaya, nagtututlunagn at higit sa lahat ay nag kakaunawaan at nag mamahalan.

Dito ko ilalahad kung paano nag kakilala ang aking ina at ang aking ama at kung paano nabuo aming pamilya.


Ito ang larawan ng aking mga magulang
 Ito ang larawan nang aking mag magulang,sila ay sina Bednedicto G.Daniel at Marissa D.Daniel. Ang aking ama ay nag-aral sa Laguna College(LC) ngunit hindi siya naka pag tapos ng hihg school. Ang aking ina namn ay nag tapos sa Manuel L. Quezon University(MLQU). Sila ay ang kakilala sa Sta.Cruz Laguna dahil ang aking ina ay nag titinda nang tsinelas sa palengke,at ang ama ko naman ay isang ahente ng tsinelas .Hindi  nag laon sinuyo/niligawan nang aking ama ang aking ina,hindi nag tagal napasagot namn ng aking ama ang ina ko. Hanggang sila ay naging mag nobyo at mag nobya. Makalipas ang limang taon ay nag kasundo ang kani-kanilang magulang/pamilya na ipakasal sila sa Huwes sa lalawigan nang Rizal,Laguna. Dito sila nag isang dibdib at ang nanay ko ay naging ganap na Marissa D. Daniel.

Dahil sa kanilang pag-mamahalan ay nag bunga nang isang anghel o anak at ito ay ang aking panganay na kapatid o ang aking kuya na si Marvi D. Daniel.siya ay dalawamput limang taong gulang na. Ang aking kuya ay isang anak na masunurin,mabait,masipag at matiyaga kaya naman tuwang-tuwa sa kanya ang aking mga magulang. Makalipas ang sampung taon ay nasundan siya at at ko iyon na pinangalanang Maridict D. Daniel, ako ay nag iisang babae sa aming mag-kakapatid “unika-iha”. Dati ayokong masundan ako kasi ang akala ko ay mawawalan na sila ng oras sa akin,pero mali pla ako nang inakala masaya pla pag nag kakapatid kang muli at tatawagin akong “ate”.At makaraan ulit ang sampung taon ay nasundan ako at ang pangalan nang aking bunsong kapatid ay Dandic D. Daniel. Kaming tatlong mag kakapatid ang naging bunga nang pag-mamahalan ng aking mga magulang at binusog namin sila nang may pag-mamahal.


Ako ito at ang aking kuya

Ako ito at ito ang aking bunsong kapatid
Ito ang larawan naming mag-kakapatid. Ang nasa kaliwang bahagi ay ang aking nakakatandang kapatid o ang aking kuya. Siya ay nag tapos sa System Institute of Technolohgy(STI), ang kanyang kinuhang kurso ay Computer Science at nag karoon siya ng paranagal sa kanyang pag tatapos. Ang aking kuya na ang natulong sa akin sa aking pag-aaral. At ang nasa gitnang larawan ay ako iyan na ngayon ako ay nasa ika-apat na baitang na nang sekundarya sa pangkat C, na nag aarala ko sa Col.Lauro D. Dizon Memorial National High School o sa mas kilala sa tawag na “Dizon High”. Ako ngayon ay malapit nang mag tapos sa sekundarya. At ang nasa kanang larawan ay ang aking bunsong kapatid , na nag aaral ngayon sa “Whiz Kid” at malapit na din siyang mag-tapos.
Ako ito nung 12 days palang  bagong panganak
 Ito naman ang aking larawan nang ako ay bagong panganak palang,12 days palang ako dyan. Ipinanganak ako noonh Hunyo 12,1995 sa Brgy.Sto.Angel San Pablo City Laguna,ang nag paanak sa akin ay isang midwife lng sa kadahilanang noong araw na manganaganak ang aking ina ay walang pera ang aking ama kaya napag kasunduan nasa bahay nalang ng tita ko manganak ang aking ina. Payat ako noong ako ay bata palang ay ako ay sakitin dahil mahina ang aking resistensiya,kay naman buwan-buwan ako ay laging nasa ospital at nakaconfine. Nawala ang aking pagiging sakitin nang ako ay nag pitong taong gulang na.Malaki ang pasasalamat ko sa panginoon dahil nawala ang pagiging sakitin ko nung ako ay bata pa,at binigyan naman niya ako ng malusog na pangangatawan.


Bibinyagan ako niyan,7months ako 
Ito naman  ang aking larawan nang ako ay bibinyagan na.7 months old palang ako dyan.bininyagan ako sa Independiente Filipina o sa mas kilalang tawag na ‘aglipay church’. Fiesta ng bayan noon nang ako ay pabinyagan ng aking mga magulang. Nag papasalamat ako sa kanila na napabinyagan nila ako nang maayos at maganda. At nandoon ang suporta nila sa akin.

Ako ito at ang aking pamilya

 Ito ang larawan naming pamilya  nang ako ay nang mag isang taong gulang na.Ipinagdiriwang ko ito noong Hunyo 12,1995.Kahit na medjo mahirap kami noon ay pinag sumikapan ng aking mga magulang na ipaghanda ako sa aking unang kaarawan,at lubos akong nag papasalamat sa kanila.sinuklian ko naman ito nang pag mamahal. At ang isa namang larawan ay nang isang taon na ako dyan. Ako ay aabay sa aking ninang, ayan ang kauna-unahan kong pag-abay kaya naman ang aking nga tita at ang anking nlola ay tuwang-tuwa sa akin, pati na rin ang aking mga magulang.
Nang bata palang ako ang nag alaga na sa akin ay anag aking mga tita at ang aking lola, sa kadahilanang may mga trabaho ang aking mga magulang. kaya naman medyo malapit ang loob ko sa kanila at naging  'spoiled o bratgurl' ako sa mga tita ko. Nag mana ako nang ugali sa tita ko ung kapatid na panganay ng aking ama, at sa kanya ko lahat nakuha ang pagh-uugali kaya naman ako ay may pag ka maldita. Pinalaki niya ako nang maayos,may takot sa kanila at higit sa lahat may pag-mamahal siya sa akin. Pati lahat nang gusto ko ay nasusunod nila kaya naman medjo naging maluho ako sa kanila pati na rin sa aking kuya at sa aking magulang. Dati dahil sa pagiging spoiled kong bata ay nagagalit ako sa aking nanay at sa aking tatay pag hindi ko nakuha o pag hindi nila nasunod ang aking gustuhin.
Ito naman nung grumaduate ako nang Grade 6


Ito naman nang ako ay mag tapos ng kinder,limang taon pa lamang ako dyan. Pumasok ako sa San Pablo Central School. Ang regalong dala ko ay bigay sa akin yan ng aking ninang,tuwang tuwa naman ako.Ito ang aking larawan nang mag-tapos ako ng elementarya,ako ay nag tapos din sa Paaralang San Pablo Central School. Bago ako mag tapos nang elementarya ay marani akong sinasalihang mga activities,gaya ng sa Girl Scout,Camping,at Math Lesson na kung tawagin ay(MTAP). Sumali din ako sa sports na "foot ball",grade two ako nang mahilig ako sa larong ito proud pa ako sa sarili ko dahil naging "goally" ako noon at nag-champion pa ang school namin sa larong ito sa Division Meet. Ang pag-tatapos ko sa elementarya ay iniaalay ko saa aking mga magulang at sinisikap kong mag-aral nang mabuti.
Ako sa ngayon yan "mhadec"
At itong larawang ito ako ngayon sa kasalukuyan, ako ngayon ay nasa ika-apat na baitang na nang sekundarya sa pangkat C. Nag aaral ako ngayon sa paaralang Col.Lauro D.Dizon Memorial National High School o sa mas kilala sa tawag na 'Dizon High'. Ako ngayon ay malapit nang mag-tapos ng pag aaral sa sekundarya. Ang kukunin kong Course pag dating nang kolehiyo ay "Accountancy" kasi ito ang pangarap ko pag laki ko.at mag susumikap ako sa aking pag-aaral para makating ko ang minimithi ko sa buhay at para maipag malaki ako nang aking mga magulang, pati na rin susuklian ko ang mga ginawa nilang tulong sa akin para lang makapag tapos ako nanag pag aaral. Bibigyan ko sila nang magandang buhay.

Ito kaming mag babarkada
Ito naman ang nlarawan naming mag babarkada o simply Best Friend. "Batch 2010-2011",ito ang the best year ang the best batch for me. Kasi dito ko nakita ang mag tunay kong kaibigan. At sa batch ding ito ang pinaka masayang bonding moment nang section C at pati na rin naming mag babarkada. Nag papasalamat ako at binigyan ako nang barkadang handang tumulong sa akin sa oras ng kagipitab at lagi silang nandyan tuwing may problema ako at nadadamayan nila ako at nabibigyan ng magandang advise. Pag naman nag sama-sama kaming mag babarkada ay super iinagy namin daig pa ang isang taong hindi mga nag kakasama kaya naman maraming nagagalit sa aming barkada pag kami ay nag ingay na na nagagawa pa nilang siraan kami sa ibang tao at gawan ng kwentong masama ang aming barkada.Pero may iba naman na natutuwa sa aming barkada kasi masayang kasama at masayang kabiruan o kakwetuha.Yung iba naman ay insecure sa amin kaya ganun nlang sila mamng husga.At salamat dahil nag karoon ako ng mga kaibigang tunay at handang tumulong sa akin sa oras ng kagipitan,at pag ako ay may problema lagi siling andyan para tumulong



Ito ang larawan anming pamilya
At ito ang larawan ng aming simple at masayang pamilya.Salamat sa mga magulang ko na nag-alaga at nag- aruga sa amin,at binigyan nila kami nang magandang buhay at magandang kinabukasan. Pinalaki nila kami nang may pag-mamahal at ng may takot sa Diyos pati na rin sa kapwa. Ang maisusukli ko sa kanilang mga ginagawangpag mamahal.pag-aaruga nang maayos ay ang mag-aarala ko nang mabuti at mag susumikap akong makapag tapos ng pag-aaral at bibigyan ko sila nang magangdang buhay at magandang kinabukasan.



"Bawat tao ay mag kanya-kanyang kwento nang buhay. Para sa akin mahalaga ang kwento tungkol sa buhay,dahil dito nabuo ang aming simle at masayang pamilya. At ang nasa itaas nga ay ang kwento tungkol sa aking buhay. Ang pamilya ay mahalaga sa akin dahil parte sila ng aking pag katao.At dito nag tatapos kung paano nabuo ang aming pamilya"











Monday, February 21, 2011

Teka...BAkit hinDi Ninyo mUna basahiN???

Ako si Ana Carla Opulencia Mesa Ang Aking TALAMBUHAY.

    
                       Ang bawat bagay ay may alamat,may pinagmulan o may pinanggalingan.Lahat ay may kanya kanyang kwento na nais nating alamin at nais natin tuklasin ako nais ko naman ibahagi sa inyo  ang aking makulay na kwento ng aking simple ngunit masayang buhay.
     
                          Apat kaming bunga ng pagmamahalan nina G. Eduardo Mesa at Gng. Victoria Mesa. Sina Jacquline,Charmane ang aking mga ate at syempre hindi pedeng mawala ang aking  kabiyak ng bituka at karugtong ng aking buhay ang nag-iisa kong kakambal na si Juan Paolo .

      
Kami ng aking kakambal.
                          Ika-29 ng Setyembre taong 1994, na una naming masilayan ang liwanag ng ating daigdig. Naging kaanib kami ng simbahang  katoliko noong ika-7 ng Enero taong 1995. Ang aming paglaki ay tunay naman na busog ng pag-aalaga at pagmamahal ngunit hindi lahat ng bagay ay natututunan lamang sa loob ng bahay. Tulad ng isang ibon na kailangan lumipad upang matutong mabuhay,parang isang halaman na kailangan makakuha ng pangangailangan upang lumago ay mabuhay.......teka tao kaya ako kaya alam ko iba.Nagsimula kaming mag-aral sa Day Care Center noong  kami ay limang taong gulang nasundan ang ito ng Kindergarten ng sumunod na taon. Ang aming elementarya ay ginugol naming Mababang Paaralang Sentral ng Lungsod ng San Pablo. Unang baitang hindi kami magkaklase ng kakambal ko,nagang maayos naman ang lahat kahit kami ay magkahiwalay.Nasanay na din ako na hindi ko siya laging kasama sa bawat oras na lumilipas. Ikalawang baitang ay pinasya ng magulang ko na maging magkaklse kaim,naging masaya ang mga panahon na iyon dahil na kasama ko siya. Ikatlo hanggang ikaanim na baitang ay hindi na ulit kami magkaklase,nakakalungkot subalit kailanagn. Napakasaya ng oras at araw na iyon,dahil matagal naming hinintay na mahawakan ang aming katibayan na kami ay makapagtapos.
             Ang bagong yugto ng aming buhay ay ang pagpasok namin sa sekundarya na tinatawag din nilang "highschool life",at ginugol namin ito sa mababang paaralang Col. Lauro D. Dizon Memorial National Highschool. Ika-unang antas ay magkaklase kami at lagi kaming tampulan nang mga tukso,dahil hindi nila alam na kambal kami. Nakakatuwang isipin na napagkamalan kami bilang magksintahan,dahil lagikaming magksama pag nakikita nila kami mula sa pagpasok at pagawas pati sa paglipat namin  sa ibang klase. Ika-dalawang antas ay mag kaklase  pa din at tumaas ang aming seksyon na kung dati ay F ngayon ay D na ang naging seksyon namin. Konti pa lang din ang nakakaalam na kambal kami sa seksyon na nilipatan namin nasanay na din kami,dahil katulad pa din ng dating sitwasyon na napagkakamalan kami na magkasintahan. Hindi nagtagal ay naging maayos ang lahat alam na din nang mga kaklase namin na kambal kami kaya  hindi na din kami nagkakailangan sa iba ang pagiging malapit  namin. Ika-ikatlong antas ay kami pa din ang magkasama at napakasaya dahil nililigawan na ako at hindi siya tutol. Kasabwat ko siya sa lahat ng bagay at kalokohan,kaya't para sa akin napakasarap talaga nang may kakambal lalo na pagnagkakaintindihan kayo. Ngayon ay nasa ika-apat na antas na kami at C na ang seksyon namin na palawakin pa ang aming kakayanan sa magkaibang larangan.
 Marami din akong naging karanasan simula nang ako ay sanggol pa lang. Tulad na lang noong 3 buwang sanggol ay kinumbulsyon ako salamat na lamang at ako ay nabuhay pa. Naniniwala din ako na ito ang ikalawa kong buhay kaya't hindi ko ito sasayangin. Noong apat na taong gulang ako ay nagpunta kami sa Baguio kasama ang ninong,ninang,nanay,ate Jackie at ate Charm. Napakagandang karanasang iyon dahil unang beses kong sumakay sa kabayo madami din kaming napuntahan tulad na lang The Mansion,Botanical Garden at iba pa.

Nung pumunta kami sa Baguio at sumakay ako sa kabayo.
 Bata pa lang ako ay pinangarap kong maging  "Beauty Queen",kaya't sumali ako sa simpleng beauty contest sa Dizon high. "Lakan  at Mutya  ng Dizon high"  nasa ika-unang antas ako noon nakasali ako sa finals subalit pagdating nang grandfinals ay hindi ako pinasali nang magulang ko. Nasa ika-dalawang antas ako nang lumaban ako ng "Campus Sweetheart",subalit hindi ako pinalad na manalo. Nasa ika-tatlong antas ako nang lumaban ako sa "G.&Bb.Kalikasan" noong science camp sa Dizon high. Nanalo ako bilang 2nd runner-up napakasaya ko nang araw na iyon. Ngayon na nasaika-apat na antas ako ay sumali ulit ako sa "G.&Bb.Kalikasan" subalit hindi ako pinalad na manalo. Akala ninyo hanggang doon lang iyon hindi pa rin ako sumuko kahit ilang beses na akong hindi pinalad na manalo. Ang huling contest na nilabanan ko ay ang "Mr&Ms.Mini Olympics",at pinalad akong manalo ng 2nd runner-up at ito pa may special award ako na Bst in Sportswear. Ang ganda ko kay nang arwaw na iyon at napakasaya ko din.Noong English week lumaban din kaming magkaklasw sa sabayang pag-awit na may kasamang pagdrama at nasungkit namin ang ikalawang pwesto.
Sa karanasan naman sa pag-ibig ay madami din akong malulungkot na karanasan dahil lagi akong lumuluha. Alam ko na hindi iyon maiiwasan hindi ko na lang sasabihin kung sinu-sino sila nanakit sa akin. Masaya na naman ako sa buhay ko ngayon at salamat sa kanila dahil naging matapang ako.
 Ito ang aking makulay na talambuhay na nais ko pang madagdagan at makaranas pa nang ibang bagay. Alam ko na ito ay makakapagbigay sa akin maraming aral sa mga oras at araw panglilipas. Sana ay makapulot kayo nang aral sa aking talambuhay.

             
                   Pinakamamahal kong mga kaibigan.   

       
Ang Aking mga kaklase na hindi ko malilimutan.

Sunday, February 20, 2011

Ang Talambuhay ni Arzel Perez

bhabybosz
     Noong taong 1995 buwan ng mayo petsa labing tatlo ipinanganak ako ni gng. Zyrel perez sa edad na labing pitong taon.Ayon sa aking ina iniluwal daw niya akong may malusog na katawan.Tuwang-tuwa sa akin ang aking lolo at lola dahil ako ang kanilang kauna-unahang apo.


ilang litrato ko noong akoy bata pa
                   

    Isang taon na raw ako ng magsimulang magsalita.Mga simpleng salita gaya ng mama`t papa.sa brgy.2-C P.N.R compound kami nakatira noong ako ay isang taon.lumalak ako ngunit nagbabago ang aking kutis at katawan.Ayon sa aking ina pumapayat daw ako habang lumalaki.
 
    Dalawang taon ako ng lumipat kami sa Sto.Thomas Batangas.Kung bakit hindi ko rin alam hindi ko maintindihan ang paliwanag sa akin ng aking ina pagkat ako ay bata pa.Hindi ko nakakasama ang aking ama na si arnel Gacia.Paminsan-minsan dumadalaw siya sa batangas upang kami ay kamustahin.Edad tatalong taon din ako ng muling nagbuntis si mama.Galit na galit ang lola ko sa di ko malamang dahilan.

    Taong 1997 buwan ng enero petsa anim iniluwal ni mama ang aking kapatid na babae at pinangalanang Arrel kahit tutol ang akng lola sa pagbubuntis ni mama ay wala na syang nagawa kundi tanggapin ito.Hindi tulad ko ipinanganak si Arrel ng payat at masasakitin.Malayo kami sa aming ama hindi ko alam kung bakit.Nasa San Pablo si tatay sabi ni mama ay nadoon daw ang hanapbuhay ni tatay.

    Nang ako`y tumuntong sa edad na apat na taon ay lumipat na muli kami sa San Pablo ngunit hindi namin kasama si tatay bagamat malapit lamang ang kanilang tirahan.tila pinagsakluban ng langit at lupa ang aking lola ng muling magbuntis si mama sa ikatlong pagkakataon.hindi na malaman ng aking lola ang kanyang gagawin.Iniluwal ni mama ang aking ikatlong kapatid na babae na si Anzel.

     Ayon sa aming mga kamag-anak si Anzel daw ang aking kamukha dahil parehas kaming may biloy si Arrel naman daw ay kahawig ng aking ama.limamg taon ako ng mag simulang pumasok ng kinder sa Central school.Natatandaan ko pa noon lagi akong umiiyak t ayaw magpaiwan kay mama hanggang sa ikalawang baitang ay ganoon parin ang aking asal.Nang ako`y tumuntong na sa ikatlong baitang ay ntuto na akong pumasok ng mag-isa.Nagpapaiwan na ako kay mama siguro dahil naging kaklase at kaibigan ko si Lorenzo Roxas na kapitbahay din namin.
Lorenzo Roxas
       
Nag tapos ako ng elementarya na si Lorenzo ang kaibigan at kaklase.Mula ikatlong baitang hanggang ikaanim siya ay aking kaklase.
Graduation Day noong grade 6
      
  
      Sa edad na labing isang taon ay lubos kong naunawaan ang tunay na estado ng aming pamilya.Sa edad na ito nagkaroon ng liwanag at kasagutan ang aking nga tanong noong ako ay bata pa lamang.Kung bakit hindi ko nakakasama ang aking ama at kung bakit hindi sya umuuwi sa amin.Lubos kong naunawaan ang mga bagay na ito ng mismong si tatay ang nag paliwanag sa akin.Kami pala ay ikalawang pamilya ng aking tatay mayroon pa pala akong mga kapatid.Nang marinig ko ito ay di ko naiiwasang magalit kay tatay dahil sa palagay ko ay pinabayaan nya kami.pinipilit kong tanggapin ang sutwasyong ito ng amng pamilya.

    Dumating pa sa stage na humigpit ang aking ama.palagay ko tuloy hindi nya kami binibigyan ng karapatang sumaya.Nag highschool ako sa Col. Lauro D. Dizon Memorial Nat`l High School ng puro bahay at eskwela lamang dahil sa kahigpitan ng aking ama.unang taon ng sekondarya ng matuto akong mag rebelde.Natuto akong mag-cutting at sumama sa masasamang barkada.dumating pa sa puntong ipinatawag si mama ng aking guro.Naawa ako kay mama at pilit kong binago ang mga gawaing masasama,inisip ko na lamang si mama at ang aking mga kapatid.Ako ang inaasahan ni mama na magtataguyod sa aming pamilya kaya`t pilit akong nagsusumikap.

    Ikalawang taon ng sekondarya nag iba ang aking seksyon.Natutuwa ako dahil kahit papaano ito ay tumaas kung dati ay G naging F naman ito.Nagsumikap ako sa aking pag-aaral.Madalas akong nangunguna sa klase.Naging top 2 pa nga ako na labis na ikinatuwa ng aking magulang pati si tatay ay natuwa din.ako ang paborito ni tatay sa amng magkakapatid lagi nya akong pinapaboran ngunit lagi din nya akong pinapagalitan.

    Ikatlong taon ng sekondarya  naging seksyon C naman ako.Noong una ay ayoko sa seksyon na iti ngunit ng makilala ko sila ay ayoko ng umalis dito.naging best friend ko dito si Shane at Jenica."JENVYNZEL" ang tawag sa amin.Nagkkasundo kami sa maraming bagay kaya`t lalng tumibay ang aming samahan.
Jenvynzel

Ngunit  hindi nga maiiwasan ang mga pagsubok sa buhay.Disyembre,16 2009 nabaril ang aking ama hindi ka alam noon kung buhay siya.bandang ala-siete ng umaga natanggap ko ang masamang balita wala na ang aking ama.Dito ko naramdaman na kahit pala gaano kasama si tatay ay ama ko parin sya.Wala akong nagawa kundi umiyak ng umiyang hababg sinasambit ang "tatay,tatay".Napakasakit mawalan ng isang ama para hindi ko kakayanin.Sa tulong ng aking mg akaibigan at kaklase ay gumaan ang aking pakiramdam.Disyembre 22 anilibing si tatay napakasakit para sa akin ng araw na iyon.nag pasko kami ng wala si tatay.Sana noon pa lang ay naging mabait na ako sa kanya upang kahit papaano ay mayroon akong magagandang alaala sa kanya.

JS prom
                          

     Huling taon ko n sa sekondarya nakakalungkot isipin na mag kakahiwa-hiwalay na kaming mag kakaklase.Napakaraming magagandang alaala ang naranasan ko dito isa na rito ang JS prom napakasaya at di ko makakalimutan ang okasyong ito.

Pagkatapos nito ay graduation day naman ang sasapit.Sana bawat isa ay mag karoon ng magandang kinabukasan at maabot ang kanilang mga pangarap.Magsilbi sanang gabay ang kanilang mga naranasan sa buhay.

Saturday, February 19, 2011

Ang Aking Talambuhay

 Eto na sisimulan ko na ang aking talambuhay.Tanda ko noon nung bata pa ako ay pinasasalubungan ako ng ate ko.Kapag wala siyang pasalubong sa akin Redelyn lang ang tawag ko sakanya.Sa central dati siya napasok.At nang siya ay mkatapos sa kinder at grade one pumasaok na siya sa Paaralang Ambray na malapit lamang sa amin na doon din ako pumasok.Nasa ika unang baitang agad ako pumasok.Hindi na ako nagkinder noon.Napakaraming umiyak noon sa aming magkakaklase.Marami akong naging kaibigan noon.Naaalala ko noon kinukuha niya ang mga lapis ko.nang minsan na nahuli ko si sinabi niya na iaayos lang niya ang aking gamit ngunit alam ko na kinukuha niya ang lapis ko at minsan pa ipingpapalit niya ang lapis ko sa lapis niya.Dati lagi akong ipinagtatanggol ng aking pinsan sa tuwing inaaway ako ng mga kaklase ko.Nang ako may nakapasa sa sa unang baitang tumuntong na ako sa ikalawang baitang.Una nahirapan ako na makisalamuha  sa iba dahil wala pa akong gaanong kakilala noon.Dito nakilala ko si Elizabeth na sa ngayon ay kaklase ko.Nang tumagal-tagal nasanay na rin ako at marami na akong kaibigan na nakilala.Nang makapasa ako sa akalawang baitang,naging masaya ako dahil sa pagpasok ko sa ikatlong baitang lalong dumami ang aking nakilala at sa ngayon ay kaklase ko sila,si Jenica at si Rinalyn.Tanda ko noon nagkamali pa ako ng pasok dahil hindi dapat iyon ang aking seksyon pero itinuloy ko na lang iyon.Doon medyo naging nakaangat ako sa mga kaklase ko.Pero hindi naman angat na angat dahil mayroon din naman doon na mas magaling sa akin.
 Ikaapat na baitang,panibagong taon nanaman.panibagong kaibigan,kamag-aral at guro>Ayos lang,naging masaya naman ako doon.Naalala ko pa noon ako ay nahuli sa klase dahil sa hindi ako ginising ang ate ko para pumasok.Pagpasok ko noon,hinatid pa ako ng lolo ko,umiiyak ako noon,tinginan ang nga kaklase ko noon sa akin,dahil bata pa ako noon  hindi naman ako gaanong nahihiya.Pagkatapos lahat ng paghihirap ko sa ikaapat na baitang ako ay muling nakapasa at nakatuntong sa akalimang baitang.Tandang-tanda ko sobrang taray ng aming guro noon.Sa lahat ng naging  guro ko sa paaralang iyon  si Mam Cabaltican lang ang aking naging paborito.Siya ay nagtuturo sa matematika.Bukod na sa maganda,hindi pa siya nakakatamad magturo.Ito ang hindi ko malilimutan na nangyari sa akin nung elementarya ako,muntik na kaming makasunog ng silid aralan dahil sa pinasaksak ko sa kaklase ko ang christmas light.Ito ay sumabog at kami ay ipinatawag ng aming gurong naghahawak sa amin.Sobrang kabado ako noon,pinalabas kami noon at sinabi na suspenededkami ng tatlong araw ngunit pumapsok pa rin ako noon.Nakapasa naman ako sakanya na ang mga marka ay puro palakol.Napakalungkot ko noon dahil napagalitan ako ng aking mga magulang.
 Ito na ang huling taon ko sa elementarya.unang pasukan,hindi ako agad nakapasok dahil nawawala ung libro ko sa English.Kinailangan pa ng nanay ko na nagpaserox na katulad noon para makuha ang aking kard.Dito ko naranasan ang "KIDS PROM".Napakasay ko noon.Dadalawa lang ang aking naisayaw noon at si Jenica Pacia at Lyndel Arroyo na naging kaklase ko noong 1st at 2nd year.Si Jenica naman ay kaklase ko pa hanggang ngayon.Inaasar pa ako ng aking guro na kung sino daw talaga sa dalawa.Hindi ako makaimik noon.Hiyang-hiya ako.Dati naging tagapagdilig din ako ng malaking hardin doon na kaharap ng gusaling kinatatayuan ng aming silid-aralan.At nang matapos na ang taon,ako ay pinalad na makapasa sa akaanim na baitang.Napakasaya ko noon ng ako ay nakatapak sa stage at kinuha ang aking diploma.Pagkauwe pinagbihis ao ng nanay ko at ang pangit pa ng aking suot  dahil nagkataon na naglalaba ang aking ina basa pa ang aking mga damit.Dinala ako ng nanay ko sa Jollibee na ako ay nabigla ng biglang dinala ako ng aking nanay doon.Dinala ako ng nanay ko kahit wala ng pera ang aking ina.Kami ay kumain ng masaya.
 Eto na ang unang taon ko sa sekundarya.Kabado at wala pang gaanong kakilala at un ang una kong pagkakataon na nakapunta sa paaralang iyon.Ang aking naging seksyon ay "I-D".Tahimik dahil wala pang kakilala.Doon ko nakilala ang mga panibago kong kaibigan na sa ngayon ay iilan na lang ang aking mga kaklaseng kaibigan ko dahil tumaas na aking seksyon.Sabi nila ang "HIGHSCHOOL" daw ang pinakamasaya sa lahat.Sabi ko tama sila,dahil noong nakilala ko ang aking mag kaklase ko noon,naging sobrang sya ko noon.Doon ako nagsimulang matuto ng computer.Simula noon medyo naadik na kami sa computer.namg kami ay nagpapapirma na ng clearance ako ay nahirapan dahil sa wala pa akong form 137.Ako ay nagsinungaling noon upang makatapos lang sa pagpapapirma ng clearance.Nakadalawang balik ako doon kasama ang aking ina dahil sa hindi pa ako makapagenroll dahil sa hindi makuha ang aking kard.At ng matapos na kami at nakuha na ang aking kard nakapaenroll na din ako sa wakas.Napagalitan pa ako ng nanay ko dahil napakabaya ko daw.pero ayos lang yon dahil nakatapos nanaman ako doon at nasa akalawang taon na ako ng sekundarya.
 Panibagong taon at panibagong pakikisama sa mga hindi ko pa kakilala.Naging masaya naman ako kahit medyo boring ayos lang kase marame naman akong nakilala na kaibigan.Tanda ko kame ay hindi nakalaban sa Florante at Laura dahil hindi saulo ng isa naming kaklase ang kanyang iskrip.LAking panghihinayang namin dahil sa laki ng paghihirap namin doon.ginagabi na kami sa pag-uwi dahil doon,tapos hindi rin pala kami makakalaban.Ang bingsakan namin doon ay pagsasaulo ng buod noon o kaya pagmomonolog lahat ng tauhan.Ako ay nakatapos sa pagbubuod dahil kinontsaba ko ang aking kaklase  kahit hindi ko natapos sinabi niya na natapos ko iyon.Sa aking pagiging sekundarya,ako ay naging "TOP 3" sa aming magkaklase.Dahil sa aking pagiging top 3 ay tumaas ang aking seksyon.Noong una ayoko sa seksyon na C dahil hindi ko kaclose ang aking mag kaklase.Gusto kong magpalipat ng seksyon ngunit hindi ko nagawa.Peo sa kinatagal-tagal ako ay naging masaya dahil sa mga bago kong nakilala at naging matalik kong kaibigan.Dito nakahanap ako ng kaibigang dadamayan ka sa problema mo.Dito naging masaya ako dahil sama-sama kaming lahat kahit saan magpunta.Haixt...akala ko dati hindi ako magiging komportable sa seksyon na ito kahit sobrang ingay ayos lang kasi masaya naman kami.Tapos noong "JS" naman ayos na ayos kahit hindi ko naisayaw ung taong mahal ko.Dito damayan pag may problema ka.

                                                          "TALAMBUHAY"

 
Ang Lalaking Minsang Nangarap

Noong ako ay 3 taong gulang
(Talambuhay ni Mark Hernandez )

Nais kong ibahagi sa inyo ang aking talambuhay.Mark ang aking pangalan galing ako sa mahirap na pamilya ng Hernandez ngunit hindi ko ito ikinahihiya.Ako ay 17 taong gulang na ngayon .Noong bata pa ako ay lola ko na ang nag alaga sakin ang tawag nila sa lola ko ay fen pero ang tunay nyang pangalan ay fenny.Magkaganun man kahit lola ko ang nag alaga sakin ay dinadalaaw parin naman ako ng aking ina.Kaya masasabi ko na mas naging malapit ako sa aking lola kaysa sa aking ina ng mamatay ang aking lola ay labis akong nalungkot at ng itoy ililibing na ako ay habol ng habol sa aking lola.Kaya matapos ang libing ay sa ina ko na ako tumira at sya narin ang nag-alaga sakin hanggang saking pag laki.May araw na pumasok sa aking isip na siguro ginawa talaga ito ng diyos para skin dahil gusto ng diyos na ang sarili ko mismong ina ang dapat na magpalaki sakin..Minsan din natanung ko sa sarili ko na bakit ang aking ina lang ang lagi kong nakikita sa bahay asan ba ang aking ama.Dahil ni minsan nung bata pa ako ni hindi ko man lang sya nakita .Minsan din naitanung ko sa aking ina na nasaan ang aking ama ang sabi naman nya sakin nasa trabaho busy kaya hindi makauwi kaya tuloy hindi ko na maiwasan ang magalit o magtampo sa aking ama dahil sa hindi na ito nauwi.Kaya ang lumaki ako ni hindi ko man lang nakita ang aking ama lumaki ako na ang nakagisnan kong ama ay isang Intsik .Meron itong dalawang anak sa aking ina kaya anim kaming magkakapatid ang pangalan ng panganay ay  ,Michael(25),Mheanne(21)Mayco(18),Mark(17),Jayson(16) at ang pinaka bunso ay siKimson(14) yan ang pangalan ng aking mga kapatid .Nakatira kami sa may Concepcion pero pag may pasok kami sa bahay namin sa Fule Sahagun kami natuloy lalo na pag awas ng tanghali pero pag awas ng hapon ay nauwi na ulet kami sa concepcion.Masaya naman kaming magkakapatid dahil maayos naman ang pakikitungo samin ng step father namin ang pangalan niya ay Kiat.Nagpapasalamat ako sa aming ina dahil pantay ang pagmamahal na ibinibigay niya saming at sa anak ni kay tito kiat  nagpapasalamat din kami kay tito kiat dahil sa pagmamahal at pag aaruga niya samin.May isang lalaki na taga concepcion ang laging nagdadala ng prutas sa aking ina tuwing gabi  ito pala ay may gusto sa aking ina. Hindi nagtagal ay nalaman ito ni tito kiat kaya minabuti  ni tito kiat na makipag hiwalay sa aking ina kaya nagdesisyon ang aking ina na tumira na kami sa bahay namin sa Fule Sahagun.Kasama ang aking ina si rodel sya yung may gusto sa aking ina na nagbibigay sa kanya ng prutas kaya sa paglaki namin ay kasama na namin ito sa aming bahay.Hindi nagtagal ay nagkaroon ito ng anak na lalaki sa aking ina na pinangalanan nilang roejohn itinuring namin itong tunay na kapatid kahit na hindi namin tunay na ama ang kanyang ama at ito ay nasundan pa ng isang anak na lalaki na pinangalanan nilang roejemar itinurin din namin itong tunay na kapatid.Kahit kailan hindi ko matatanggap ang bago naming step father na si rodel kahit ang mga kapatid ko ayw din sa kanya wala lang kaming magawa dahil ayaw itong paalisin ng aking ina.Minsan kinausap namin ang aming ina at sinabi namin na palayasin na niya si rodel pero gaya ng dati ayaw talaga ng aking ina dahil iniisip parin ng aking ina na kahit ganun ang ugali nun ay ay malaki parin ang naitulong nito sa amin at sa kanya sa
bonding  with my family
z pang araw-araw, inintindi na lang namin ang naging desisyon ng aming ina.Kahit ano man ang mangyari hinding hindi namin iiwan ang aming ina,kaya ipinapangako ko sa sarili ko na magtatapos ako ng pag aaral para makatulong ako sa aking ina na labis ang pagsasakripisyo saming mga anak niya.Kahit na lumaki kaming hindi namin nakagisnan ang tunay naming ama ay naging masaya parin kami pero hindi namin maiiwasan kung ano ba ang pangalan nya at kung ano ba ang itsura niya.Minsan gusto sana naming itanung kung ano ang pangalan ng aking ama pero hindi namin magawa dahil iniisip din namin bakit pa namin itatanung eh iniwan na kami at siguro hindi nya kami mahal kaya lumaki kami na hindi namin kilala ang tunay naming ama.Hindi nagtagal ay nakatapos ako ng pag aaral sa elementarya nagkaroon ako ng mga medalya sa Dizon High naman ako nag aral bilang 1st yr haiskul gaya ng dati nakakapanibago dahil umpisa pa lang ng klase wala ka pang gaanong kakilala pero hindi naman nagtagal ay nagkaroon ako ng maraming kaibigan sobrang saya ko nun.Kahit na minsan wala ako masyadong pera ay napasok parin ako dahil sa pagiging matiyaga ko nakatapos ako ng 1st yr haiskul,at ngaun ipagpapatuloy ko ang aking pag-aaral bilang 2nd yr.haiskul hindi na gaya ng dati hind na ako naninibago dahil ung mga kaklase ko nung 1st yr ay yung iba ay kaklase ko parin ng 2nd yr pero may bago din naman akong mga kaklase sila na lang yung pakikisamahan ko at kakaybiganin ko din sila gaya ng dati sobrang saya ko na naman dahil nagkaroon na naman ako ng mga bagong kaibigan,masaya ako kung ano at asan ako ngayon dahil ito naman talaga ang gusto kong mangyari kung baga sa pagkakaibigan walang iwanan,ng magtatapos na kami ng 2nd yr syempre andyan ang Florante at Laura sabi ko dapat galingan namin dito dahil gusto naming manalo.Kasi nung 1st yr ako hindi kami lumaban sa Ibong Adarna kaya dapat galingan ko ng matapos kaming makapag perform ay announcement na ng winner kabado ang lahat lahat samin ay nagkaroon ng place karamihan samin ay puro 3rd place mapwero lang ang Menandro at Ako si Menandro ay 1st place at ako naman bilang Adolpo ay 2nd place,lalo kaming naging masaya ng maging 2nd place kami sa over all section na naglaban laban nagpapasalamat kami sa nagturo samin si ate Gelic tuwang tuwa samin ang aming adviser.Nakatapos na ako ng 2nd at ngayon naman ay 3rd yr haiskul naman ang aking kakaharapin hindi narin ako nanibago dahil sila parin ung mga kaklase ko at sa 3rd ko ay section C parin ako pero magkaganun man masaya naman ako kung asan ako ngayon.Nagpapasalamat ako sa mga kaibigan ko na laging nariyan sakin para tulungan at palakasin ang aking loob,at nagtuturo sakin na lumaban ako kahit na mahirap titiisin ko para ito sa aking magulang sa sa mga pangarap ko sa buhay ko.Eto na nandito na ako sa pinaka aabangan ko ang mgaing 4th yr haiskul para sakin hindi naging madali ang mga pinagdaanan ko,buti na lang nagtitiwala ako sa sarili at ngayon nasa tuktok na ako kung saan dapat lalo akong maging matatag ito ay ang pagiging 4th yr haiskul.Alam kung marami akong magiging karanasan o matututunan bilang isang 4th yr student,pero kahit ganito masaya ako at nagpapasalamat ako dahil naging parte ang aking buhay ang mga kaibigan ko at mga kaklase kahit na ngayong 4th yr ay lagi kaming napapagalitang aming mga guro ay buo parin kami.Kahit may nag-aaway man samin buo parin kami dahil matibay ang aming samahan.Eto na may laban na naman para sa Cheerdance kailangan 
galingan namin dito para matuwa ang aming adviser samin.
JS prom 4-Conquerors




Laban na ayan tapos na announcement na ng panalo yun hindi kami nanalo pero magkaganun man masaya parin kami dahil yung mga araw ng parktis namin ay masaya at yun ay parang bonding narin naming magkakaklase at napatunayan namin sa aming sarili na sa bawat laban may nananalo ay may natatalo ang mahalaga lumaban.Dahil sa anumang laban kami ay sama-sama at tulong-tulong kaya matalo ka man o manalo masaya parin .Ayan may kompetisyon na naman sa English naman 


Props men day!!
Dancing and Singing lalaban na naman ulet kami bilang isa.Laban na ibubuhos namin ang lahat ang aming makakaya matalo man o manalo ok lang,yun bumunga ang aming paghihirap 2nd place kami sobrang saya namin.Kaya sa aming pagkapanalo napagdesisyonan namin na magkaroo ng swimming over night para magkaroon kami ng isang napakasayang bonding naming magkakaklase.Dahil sa dami ng problema na dumating samin ay nalampasan namin itong lahat dahil sa oras ng problema ang lahat ay nagtutulungan at nagkakaisa,kaya sa pag graduate namin sobrang mamimiss namin ang isat-isa para sakin hinding hindi ko sila makakalimutan,dahil walang magkaibigan ang nagkakalimutan.Ngayon malapit na kaming gumaduate ito ang pinkapangarap ko sa buhay ko at ang makilala ko ang tunay kong ama pangarap ko ang makapagtapos upang makatulong ako sa aking ina na nagbuhos ng hirap,pago at pawis para lang mapalaki at mapag aral ako ng ayos.Mahalin natin ang ating magulang ng buong puso dahilo walang ginwa ang ating magulang kundi ang alagaan at palakihin tayo ng maayos at mabuti.Sana ay maging inspirasyon kayo sa buhay ko matuto tayong lumaban sa problema at maging malakas ang loob sa anu mang problema ang dumating sa ating buhay dahil ito ay isang pagsubok na dapat nating lampasan at sulosyonan.Maraming salamat sa aking mga kaibigan na handang tumulong sakin at damayan ako,sila ang inspirasyon ko upang maging matatag at malakas ang aking loob sila din ang nagturo sakin na lumaban sa anumang problema.Sana maging matatag tayo sa wag tayong sumuko sa mga problema dito na nagtatapos ang aking talambuhay.




Ako ngayon !!