Sunday, February 20, 2011

Ang Talambuhay ni Arzel Perez

bhabybosz
     Noong taong 1995 buwan ng mayo petsa labing tatlo ipinanganak ako ni gng. Zyrel perez sa edad na labing pitong taon.Ayon sa aking ina iniluwal daw niya akong may malusog na katawan.Tuwang-tuwa sa akin ang aking lolo at lola dahil ako ang kanilang kauna-unahang apo.


ilang litrato ko noong akoy bata pa
                   

    Isang taon na raw ako ng magsimulang magsalita.Mga simpleng salita gaya ng mama`t papa.sa brgy.2-C P.N.R compound kami nakatira noong ako ay isang taon.lumalak ako ngunit nagbabago ang aking kutis at katawan.Ayon sa aking ina pumapayat daw ako habang lumalaki.
 
    Dalawang taon ako ng lumipat kami sa Sto.Thomas Batangas.Kung bakit hindi ko rin alam hindi ko maintindihan ang paliwanag sa akin ng aking ina pagkat ako ay bata pa.Hindi ko nakakasama ang aking ama na si arnel Gacia.Paminsan-minsan dumadalaw siya sa batangas upang kami ay kamustahin.Edad tatalong taon din ako ng muling nagbuntis si mama.Galit na galit ang lola ko sa di ko malamang dahilan.

    Taong 1997 buwan ng enero petsa anim iniluwal ni mama ang aking kapatid na babae at pinangalanang Arrel kahit tutol ang akng lola sa pagbubuntis ni mama ay wala na syang nagawa kundi tanggapin ito.Hindi tulad ko ipinanganak si Arrel ng payat at masasakitin.Malayo kami sa aming ama hindi ko alam kung bakit.Nasa San Pablo si tatay sabi ni mama ay nadoon daw ang hanapbuhay ni tatay.

    Nang ako`y tumuntong sa edad na apat na taon ay lumipat na muli kami sa San Pablo ngunit hindi namin kasama si tatay bagamat malapit lamang ang kanilang tirahan.tila pinagsakluban ng langit at lupa ang aking lola ng muling magbuntis si mama sa ikatlong pagkakataon.hindi na malaman ng aking lola ang kanyang gagawin.Iniluwal ni mama ang aking ikatlong kapatid na babae na si Anzel.

     Ayon sa aming mga kamag-anak si Anzel daw ang aking kamukha dahil parehas kaming may biloy si Arrel naman daw ay kahawig ng aking ama.limamg taon ako ng mag simulang pumasok ng kinder sa Central school.Natatandaan ko pa noon lagi akong umiiyak t ayaw magpaiwan kay mama hanggang sa ikalawang baitang ay ganoon parin ang aking asal.Nang ako`y tumuntong na sa ikatlong baitang ay ntuto na akong pumasok ng mag-isa.Nagpapaiwan na ako kay mama siguro dahil naging kaklase at kaibigan ko si Lorenzo Roxas na kapitbahay din namin.
Lorenzo Roxas
       
Nag tapos ako ng elementarya na si Lorenzo ang kaibigan at kaklase.Mula ikatlong baitang hanggang ikaanim siya ay aking kaklase.
Graduation Day noong grade 6
      
  
      Sa edad na labing isang taon ay lubos kong naunawaan ang tunay na estado ng aming pamilya.Sa edad na ito nagkaroon ng liwanag at kasagutan ang aking nga tanong noong ako ay bata pa lamang.Kung bakit hindi ko nakakasama ang aking ama at kung bakit hindi sya umuuwi sa amin.Lubos kong naunawaan ang mga bagay na ito ng mismong si tatay ang nag paliwanag sa akin.Kami pala ay ikalawang pamilya ng aking tatay mayroon pa pala akong mga kapatid.Nang marinig ko ito ay di ko naiiwasang magalit kay tatay dahil sa palagay ko ay pinabayaan nya kami.pinipilit kong tanggapin ang sutwasyong ito ng amng pamilya.

    Dumating pa sa stage na humigpit ang aking ama.palagay ko tuloy hindi nya kami binibigyan ng karapatang sumaya.Nag highschool ako sa Col. Lauro D. Dizon Memorial Nat`l High School ng puro bahay at eskwela lamang dahil sa kahigpitan ng aking ama.unang taon ng sekondarya ng matuto akong mag rebelde.Natuto akong mag-cutting at sumama sa masasamang barkada.dumating pa sa puntong ipinatawag si mama ng aking guro.Naawa ako kay mama at pilit kong binago ang mga gawaing masasama,inisip ko na lamang si mama at ang aking mga kapatid.Ako ang inaasahan ni mama na magtataguyod sa aming pamilya kaya`t pilit akong nagsusumikap.

    Ikalawang taon ng sekondarya nag iba ang aking seksyon.Natutuwa ako dahil kahit papaano ito ay tumaas kung dati ay G naging F naman ito.Nagsumikap ako sa aking pag-aaral.Madalas akong nangunguna sa klase.Naging top 2 pa nga ako na labis na ikinatuwa ng aking magulang pati si tatay ay natuwa din.ako ang paborito ni tatay sa amng magkakapatid lagi nya akong pinapaboran ngunit lagi din nya akong pinapagalitan.

    Ikatlong taon ng sekondarya  naging seksyon C naman ako.Noong una ay ayoko sa seksyon na iti ngunit ng makilala ko sila ay ayoko ng umalis dito.naging best friend ko dito si Shane at Jenica."JENVYNZEL" ang tawag sa amin.Nagkkasundo kami sa maraming bagay kaya`t lalng tumibay ang aming samahan.
Jenvynzel

Ngunit  hindi nga maiiwasan ang mga pagsubok sa buhay.Disyembre,16 2009 nabaril ang aking ama hindi ka alam noon kung buhay siya.bandang ala-siete ng umaga natanggap ko ang masamang balita wala na ang aking ama.Dito ko naramdaman na kahit pala gaano kasama si tatay ay ama ko parin sya.Wala akong nagawa kundi umiyak ng umiyang hababg sinasambit ang "tatay,tatay".Napakasakit mawalan ng isang ama para hindi ko kakayanin.Sa tulong ng aking mg akaibigan at kaklase ay gumaan ang aking pakiramdam.Disyembre 22 anilibing si tatay napakasakit para sa akin ng araw na iyon.nag pasko kami ng wala si tatay.Sana noon pa lang ay naging mabait na ako sa kanya upang kahit papaano ay mayroon akong magagandang alaala sa kanya.

JS prom
                          

     Huling taon ko n sa sekondarya nakakalungkot isipin na mag kakahiwa-hiwalay na kaming mag kakaklase.Napakaraming magagandang alaala ang naranasan ko dito isa na rito ang JS prom napakasaya at di ko makakalimutan ang okasyong ito.

Pagkatapos nito ay graduation day naman ang sasapit.Sana bawat isa ay mag karoon ng magandang kinabukasan at maabot ang kanilang mga pangarap.Magsilbi sanang gabay ang kanilang mga naranasan sa buhay.

No comments:

Post a Comment