‘Lahat nang tao ay may kanya-kanyang kwento tungkol sa kanilang buhay. Ito man ay masaya na malungkot,nakakainis o nakakatawa,madrama na romantic at higit sa lahat isang pamilyang masayang nagsasama-sama. Per o masarap isipain na ang pamilya mo at buo pa at mag kakasama’
Ilalahad ko sa inyo ang tungkol sa aking pag katao at kung paano nabuo ang aming pamilya.
Ako ay may maituturing na simple at may masayang pamilya.hindi kami mayaman bagamat may pamilya akong mayaman sa pag-mamahal. Pinalaki kami nang aming mga magulang nang may pag-mamahal at inaruga nila kami nang maayos, kaya naman mahal na mahal ko ang aking pamilya. Hindi ako nagsisisi na nag karoon ako nang isang pamilyang gaya nila na mapag-mahal. At nag papasalamat ako sa pamilya ko na umuunawa sa akin, tinutulungan nila ako tuwing may problema ako at higit sa lahat ginagabayan nila ako sa lahat ng bagay, at sa aking pag-aaral. Nag papasalamat ako sa Diyos dahil binigyan niya ako nang isang simpleng pamilya na masaya, nagtututlunagn at higit sa lahat ay nag kakaunawaan at nag mamahalan.
Dito ko ilalahad kung paano nag kakilala ang aking ina at ang aking ama at kung paano nabuo aming pamilya.
![]() |
Ito ang larawan ng aking mga magulang |
Dahil sa kanilang pag-mamahalan ay nag bunga nang isang anghel o anak at ito ay ang aking panganay na kapatid o ang aking kuya na si Marvi D. Daniel.siya ay dalawamput limang taong gulang na. Ang aking kuya ay isang anak na masunurin,mabait,masipag at matiyaga kaya naman tuwang-tuwa sa kanya ang aking mga magulang. Makalipas ang sampung taon ay nasundan siya at at ko iyon na pinangalanang Maridict D. Daniel, ako ay nag iisang babae sa aming mag-kakapatid “unika-iha”. Dati ayokong masundan ako kasi ang akala ko ay mawawalan na sila ng oras sa akin,pero mali pla ako nang inakala masaya pla pag nag kakapatid kang muli at tatawagin akong “ate”.At makaraan ulit ang sampung taon ay nasundan ako at ang pangalan nang aking bunsong kapatid ay Dandic D. Daniel. Kaming tatlong mag kakapatid ang naging bunga nang pag-mamahalan ng aking mga magulang at binusog namin sila nang may pag-mamahal.
![]() |
Ako ito at ang aking kuya |
![]() |
Ako ito at ito ang aking bunsong kapatid |
Ito ang larawan naming mag-kakapatid. Ang nasa kaliwang bahagi ay ang aking nakakatandang kapatid o ang aking kuya. Siya ay nag tapos sa System Institute of Technolohgy(STI), ang kanyang kinuhang kurso ay Computer Science at nag karoon siya ng paranagal sa kanyang pag tatapos. Ang aking kuya na ang natulong sa akin sa aking pag-aaral. At ang nasa gitnang larawan ay ako iyan na ngayon ako ay nasa ika-apat na baitang na nang sekundarya sa pangkat C, na nag aarala ko sa Col.Lauro D. Dizon Memorial National High School o sa mas kilala sa tawag na “Dizon High”. Ako ngayon ay malapit nang mag tapos sa sekundarya. At ang nasa kanang larawan ay ang aking bunsong kapatid , na nag aaral ngayon sa “Whiz Kid” at malapit na din siyang mag-tapos.
![]() |
Ako ito nung 12 days palang bagong panganak |
Ito naman ang aking larawan nang ako ay bagong panganak palang,12 days palang ako dyan. Ipinanganak ako noonh Hunyo 12,1995 sa Brgy.Sto.Angel San Pablo City Laguna,ang nag paanak sa akin ay isang midwife lng sa kadahilanang noong araw na manganaganak ang aking ina ay walang pera ang aking ama kaya napag kasunduan nasa bahay nalang ng tita ko manganak ang aking ina. Payat ako noong ako ay bata palang ay ako ay sakitin dahil mahina ang aking resistensiya,kay naman buwan-buwan ako ay laging nasa ospital at nakaconfine. Nawala ang aking pagiging sakitin nang ako ay nag pitong taong gulang na.Malaki ang pasasalamat ko sa panginoon dahil nawala ang pagiging sakitin ko nung ako ay bata pa,at binigyan naman niya ako ng malusog na pangangatawan.
Ito ang larawan naming pamilya nang ako ay nang mag isang taong gulang na.Ipinagdiriwang ko ito noong Hunyo 12,1995.Kahit na medjo mahirap kami noon ay pinag sumikapan ng aking mga magulang na ipaghanda ako sa aking unang kaarawan,at lubos akong nag papasalamat sa kanila.sinuklian ko naman ito nang pag mamahal. At ang isa namang larawan ay nang isang taon na ako dyan. Ako ay aabay sa aking ninang, ayan ang kauna-unahan kong pag-abay kaya naman ang aking nga tita at ang anking nlola ay tuwang-tuwa sa akin, pati na rin ang aking mga magulang.
Nang bata palang ako ang nag alaga na sa akin ay anag aking mga tita at ang aking lola, sa kadahilanang may mga trabaho ang aking mga magulang. kaya naman medyo malapit ang loob ko sa kanila at naging 'spoiled o bratgurl' ako sa mga tita ko. Nag mana ako nang ugali sa tita ko ung kapatid na panganay ng aking ama, at sa kanya ko lahat nakuha ang pagh-uugali kaya naman ako ay may pag ka maldita. Pinalaki niya ako nang maayos,may takot sa kanila at higit sa lahat may pag-mamahal siya sa akin. Pati lahat nang gusto ko ay nasusunod nila kaya naman medjo naging maluho ako sa kanila pati na rin sa aking kuya at sa aking magulang. Dati dahil sa pagiging spoiled kong bata ay nagagalit ako sa aking nanay at sa aking tatay pag hindi ko nakuha o pag hindi nila nasunod ang aking gustuhin.